16 dayuhan arestado sa pag-iinuman sa bar sa Makati

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 07:45 AM | Updated as of Jun 18 2020 08:29 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA – Arestado ang 16 dayuhan na nadiskubreng nagiinuman sa isang bar sa Barangay Poblacion, Makati nitong Miyerkoles ng hapon habang umiiral ang general community quarantine sa Metro Manila.

Huli ang 11 Cameroon national, 2 Nigerian, 1 Liberian, 1 Gambian, at 1 Seychelles national at ipasasara ang bar na nag-operate sa ilalim ng GCQ.

Bukod sa paglabag sa quarantine measure, nahulihan ang isa sa kanila ng 1 sachet ng hinihinalang shabu habang 6 ang papatungan ng karagdagang kaso dahil sa pagpalag o pagsuway umano sa mga awtoridad.

Kinumpiska rin ang mga alak sa social gathering bilang ebidensiya.

Sinalakay ang bar sa Mariano Street sa reklamo ng mga concerned citizen na may pagtitipon ng mga dayuhan, ayon kay Major Gideon Ines Jr, pinuno ng Makati Police Investigation Unit.

Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.