6 na holdaper na napatay sa Pampanga, mula sa Cordillera: PNP

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 11:57 PM

Galing sa iisang grupo ang 6 na holdaper na namatay sa magkahiwalay na engkuwentro sa Pampanga noong Huwebes.

Kinumpirma ng Pampanga Provincial Police na miyembro ng "Cabradilla bolt cutter acetylene gang" sa Cordillera ang mga holdaper.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, provincial director ng Pampanga Police, napag-alaman din na ang pulang sasakyang ginamit ng mga holdapers ay inarkila sa Baguio.

"Ngayon bumababa na sila sa atin sa Pampanga dahil nahuli na po sila may mga records na po sila and in fact some of them are out on bail dahil nafile-an na sila ng kaso dun sa huling binira nila," aniya.

Apat sa 6 na holdaper ang napatay kaugnay ng pangho-holdap sa isang convenience store sa Barangay San Vicente, Apalit.

Bago nito, patay din sa engkuwentro ang 2 sakay ng asul na pick-up sa bayan ng Bacolor.

Patuloy ang koordinasyon ng pulisya ng Pampanga at Cordillera para sa ikadarakip ng iba pang miyembro ng grupo.

--Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.