3 sugatan sa aksidente sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 04:19 PM

Bumaliktad pa ang truck na may kargang buhangin nang mag-overshoot sa kalsada sa Zamboanga City na ikinasugat naman ng tatlo katao. Larawan mula kay Ethelwaldo Alaban

ZAMBOANGA CITY – Tatlo katao ang nasugatan matapos na mag-overshoot ang kanilang truck sa kalsada at tumaob pa sa Barangay Patalon, Martes ng hapon.

Ayon kay Police Captain Janver Cabatana, hepe ng Police Station 10, may dalang buhangin ang truck galing Barangay Patalon at papunta na sana sa Barangay Talisayan nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa truck ang 55-anyos na driver. 

Agad na dinala sa ospital ang driver at dalawang pahinante nito na pawang nagtamo ng minor injuries. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang totoong dahilan ng aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.