Lalaki arestado sa pagbebenta ng marijuana sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2018 04:46 PM

DAVAO CITY - Arestado ang isang umano'y tulak ng droga sa Barangay 31-D Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jomer Avila Muñez alyas Ar Ar.

Sa ikinasang operasyon, nakuha mula sa suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P1,200.

Aminado si Muñez na gumagamit ito at nagbebenta ng ilegal na droga sa loob ng halos isang taon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Muñez.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.