Hepe ng pulis sa Isabela patay nang mabaril sa anti-drug operation

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2018 12:14 PM | Updated as of Jun 18 2018 01:54 PM

MALLIG, Isabela - (UPDATE) Patay ang hepe ng pulisya ng bayang ito matapos mabaril umano sa gitna ng isang anti-drug operation, Linggo ng gabi.

Sa paunang ulat, nabaril si Senior Inspector Michael Angelo Tubaña sa gitna ng palitan ng putok ng pulisya at ng di pa nakikilalang suspek. 

Sinubukan pa siyang dalhin sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Watch more in iWant or iWantTFC

Ayon kay Chief Supt. Jose Mario Espino, hepe ng pulisya sa Cagayan Valley, nabaril si Tubaña sa isang "chance encounter" sa mga suspek. 

May aarestuhin sana ang mga pulis na ibang suspek sa lugar nang makita nila ang dalawang lalaking may kahinahinalang kilos.

Lalapitan pa lang sana ni Tubaña ang dalawa pero pinaputukan na sila ng mga ito. Naaresto na ang dalawang suspek at inaalam na ng pulisya kung saang grupo kabilang ang dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.