Dismissed na pulis, patay matapos 'manlaban'

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2018 12:47 AM | Updated as of Jun 18 2018 07:13 AM

FAMY, Laguna - Nauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Tunhac Linggo ng gabi.

Patay ang subject ng operasyon na si Arnel Aguilan, alyas "Parak," isang pulis na natanggal sa serbisyo. 

Base sa record ng Famy Police, kabilang si Aguilan sa kanilang watchlist.

Ayon sa inisyal na report, nabilhan si Aguilan ng sachet ng umano'y shabu sa halagang P1,000. Nakatunog itong pulis ang katransaksiyon kaya nanlaban.

Nakatakas naman sa kasagsagan ng shoot-out ang kasama umano ni Aguilan.

Isinugod sa ospital si Aguilan ngunit idineklarang dead on arrival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.