3 pulis arestado dahil sa sabong

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2018 12:34 PM | Updated as of Jun 18 2018 10:36 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

MANILA - Inaresto ang 3 pulis matapos maaktuhang nagsasabong sa San Jose del Monte, Bulacan ngayong Lunes.

Nakatalaga sa Caloocan, Northern Police District at Metro Manila police ang mga ito, ayon kay Chief Insp. Jewel Nicanor, tagapagsalita ng Counter-Intelligence Task Force.

Kasama aniyang naaresto ng mga pulis ang isang traffic enforcer ng San Jose del Monte na nakuhanan ng baril, gayundin ang isang staff member ng Sangguniang Panlalawigan.

Nakuhang ebidenysa ang 5 manok at mga tari na ginagamit sa sabong.

Dinala ang mga naaresto sa Camp Crame, kung saan sila sasampahan ng kasong administratibo at kriminal.

--Ulat nina Henry Atuelan at Maan Macapagal, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.