3 naaktuhang nagdodroga sa QC, tiklo

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2017 08:04 AM

MAYNILA - Arestado ang tatlong lalaki nang maaktuhan na gumagamit ng umano'y shabu sa Barangay Obrero, Quezon City.

Sinalakay ng mga tauhan ng QCPD Station 10 ang bahay ng suspek na si Jun Riel Villanueva sa Makabayan Street matapos siyang isumbong ng kapitbahay sa ilegal na gawain.

Nahuli si Villanueva kasama ang mga kaibigan na sina Michael Sanchez at Nelson Tiquim sa drug session.

Hindi na nakatanggi ang tatlo lalo pa't nakuhaan sila ng isang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Agad isinailalim sa inquest proceedings ang mga suspek para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.