OSLO - Bumuhos man ang malakas na ulan noong bisperas ng Araw ng Kalayaan sa Oslo Norway, hindi nagpatinag ang mga Pinoy para makisaya, makasama at mapanood ang Kapamilya star na si Bela Padilla.
Ang mini-concert ay para sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day na inorganisa ng Kalayaan Norge at Philippine Embassy Oslo sa pakikipagtulungan ng TFC.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Photos: Marco Camas