PatrolPH

Shopping mall sumiklab sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2021 11:09 PM

Shopping mall sumiklab sa Antique 1
Kuha ni Stephen Louie Ramos Checa

Nasunog ang Gaisano Grand Mall sa Brgy. 8, Bagumbayan Bridge, San Jose, Antique, Huwebes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng San Jose BFP, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng mall at mabilis na kumalat ang apoy sa unang palapag kung saan matatagpuan ang mga kainan at grocery.

Rumesponde ang mga bombero galing sa mga kalapit na probinsya tulad ng Iloilo at Aklan matapos umabot sa general alarm ang sunog.

Umabot sa higit dalawang oras bago makontrol ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng San Jose BFP kung ano ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala.

Wala namang may naitala na nasugatan o namatay sa nangyaring sunog, ayon sa mga awtoridad.

--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.