Larawan mula sa Tolosa MDRRMO
Nanganak ang isang 36 anyos na babaeng COVID-19 patient sa quarantine facility sa Tolosa, Leyte, Huwebes ng umaga.
Ayon sa MDRRMO Tolosa, sumailalim sa RT-PCR test ang babae bilang requirement ng mga hospital bago sana siya manganak.
Pero nagpositibo siya sa COVID-19 kaya dinala siya ng MDRRMO Tolosa sa quarantine facility ng bayan noong Miyerkoles.
Bago mag-alas 6 ng umaga nitong Huwebes, inabutan ng panganganak ang ginang. Ayon sa mga awtoridad, isang malusog na batang lalaki ang naipanganak sa pamamagitan ng normal delivery.
Mananatili muna sa quarantine facility ang mag-ina hanggang matapos ang kanilang 14-day quarantine.
— Ulat ni Sharon Evite
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
COVID-19 patient, nanganak, Tolosa, Leyte, quarantine facility, Regional news, Tagalog news