PatrolPH

Batang babae, 3 iba pa patay sa pamamaril sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2021 11:22 PM

Apat ang patay, kabilang ang isang batang babae, matapos silang pagbabarilin sa Brgy. Tugbungan, Zamboanga City, Huwebes ng gabi.
 
Ayon sa pulisya, pauwi sakay sa motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga di kilalang salarin. 

Dead on the spot ang apat dahil sa tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Bumisita umano ang mga biktima sa kanilang bagong biling lupain bago mangyari ang insidente. 

Patuloy ang imbestigasyon para alamin ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.

--Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.