PatrolPH

P3.4-M halaga ng shabu kumpiskado sa Maguindanao drug bust, suspek tinutugis

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2021 12:52 PM

P3.4-M halaga ng shabu kumpiskado sa Maguindanao drug bust, suspek tinutugis 1
Ebidensiyang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency sa buy-bust operation sa Talayan, Maguindanao.

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa bayan ng Talayan, Maguindanao, sabi ngayong Huwebes ng lokal na Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon sa PDEA sa Bangsamoro region, target ng operasyon si alyas "Sunny Boy" pero nakatakas ito nang matunugang law enforcer ang katransaksiyon.

Nangyari umano ang operasyon sa isang gasolinahan sa Barangay Poblacion.

Nakuha sa suspek ang 7 malalaking pakete ng shabu.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.