MAYNILA — Ngayong nagsimula na ang pagbabakuna sa A4 o economic frontliners, nananawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa na magpabakuna na.
Kaya bilang insentibo, mamimigay ang DOLE ng 2,000 bisikleta at cellphone sa mga manggagawa na makakakompleto ng 2 dosage ng bakuna.
"Kapag nabakunahan ka nang 2 beses, bibigyan ka ng bisikleta... Sayang ang opportunity na mabakunahan kayo dahil ito ang pinakamabisang panlaban, armas kontra COVID-19," sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello.
Kasama ng bisikleta, magbibigay din ng cellphone na may P5,000 halaga ng load ang DOLE.
Ang bisikleta at cellphone na ipamimigay ay puwede pang ipangnegosyo, ani Bello.
Sabi ni Bello, 1,000 bike ang ilalaan sa Metro Manila workers at ang 1,000 ay ipakakalat sa mga rehiyon.
Magsisimula ang programa sa Hulyo 1.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, bike, bisikleta, cycling, bikers, bakuna, vaccine, DOLE, incentive vaccines, cellphone, Covid-19 vaccine, bakunadong manggagawa, economic frontliner, vaccine incentive