'Mas malala pa sa martial law': Dating SC Justice Carpio sa anti-terror bill

Ina Reformina, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 07:51 PM | Updated as of Jun 18 2020 08:16 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Mas malala pa sa martial law: ito ang pagsasalarawan ni retired Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kontrobersyal na panukalang anti-terrorism bill na nag-aantay na lang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte para maisabatas. 

"With the anti-terrorism act as part of the law of the land, it is as if the Philippines is permanently under a situation worse than martial law," ani Carpio sa isang webinar ng Management Association of the Philippines.

Iginiit ni Carpio na kumpara sa martial law na may taning na 60 araw at maaari pang ipawalang bisa ng Kongreso dalawang araw matapos ito ideklara, walang taning ang bisa ng anti-terror act hanggang hindi ito binabawi ng Kongreso o pinapawalang bisa ng Korte Suprema. 

"In contrast, the anti-terrorism act, once enacted into law, remains in the statute books forever until repealed by Congress or invalidated by the Supreme Court," ani Carpio. 

Labag din aniya sa Saligang Batas ang ibinibigay na kapangyarihan sa anti-terrorism council.

"There is no doubt whatsoever that under the present Constitution, only a judge must issue a warrant of arrest... The anti-terrorism council will have a devastating effect on the freedom of speech and freedom of the press in the May 2022 presidential elections," ani Carpio.

Sinabi ni Carpio na dapat magkaisa ang lahat para tiyakin na hindi makalusot ang mga ilegal na probisyon ng anti-terrorism bill. 

"If we do not want to experience a contraction of our civil liberties, we must all work to have the objectionable provisions in the anti-terrorism act invalidated by the supreme court or repealed by congress. Vigilance is the price of freedom."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.