PatrolPH

Curfew hours sa Mandaluyong City, pinaikli

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 09:34 PM

MAYNILA - Pinaikli na ang curfew hours sa Mandaluyong City simula nitong Martes, Hunyo 16.

Sa ordinansa ng Sangguniang Panlusod na inaprubahan ni Mayor Menchie Abalos, alas-10 na ng gabi ang simula ng curfew hanggang alas-5 ng umaga. 

Ayon sa lokal na pamahaalan, dapat lamang na iklian na ang curfew ngayong pinayagan nang magbukas ang ilang essential establishments ngunit limitado pa rin ang pampublikong transportasyon. 

Mahihirapan kasi umanong umuwi sa kanilang mga bahay bago mag-alas-8 ng gabi ang mga residente. 

Sumusunod na rin umano ang mga residente sa ipinapatupad na physical distancing at hindi rin nagsasagawa ng social gatherings. 

Gayunpaman, hindi pa rin papayahang lumabas ng bahay ang mga senior citizen, mga may edad 21 at pababa, mga may health risk at mga buntis.

Nauna nang nagpatupad ng mas maikling curfew hours ang Quezon City at ang lungsod ng Maynila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.