Belgian national sa Bacolod City patay matapos barilin sa loob ng bahay

Martiam Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 02:18 PM

BACOLOD CITY — Patay ang isang Belgian national sa lungsod na ito nitong Miyerkoles matapos siyang barilin sa loob ng kaniyang bahay ng mga di pa kilalang salarin. 

Nakatira ang biktimang si Carl Nolens, 76, sa Villa Angela sa Bacolod City kasama ang kaniyang asawa.

Sa impormasyon ng Bacolod City police station 4, pinasok ng 4 na armadong salarin ang bahay ni Nolens bandang 1:50 ng madaling araw.

Nilagari umano ng mga salarin ang grills ng perimeter fence ng bahay kaya sila nakapasok.

Namatay ang biktima matapos barilin sa tiyan ng salarin.

Nakaligtas naman ang asawa ni Nolens matapos tumalon mula sa second floor ng kanilang bahay.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.