PatrolPH

7 pasyenteng may chronic kidney disease sa Maynila, naitalang gumaling na sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 12:12 PM | Updated as of Jun 17 2020 01:14 PM

Gumaling na mula sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 7 pasyente na may chronic kidney disease ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ayon sa ulat ng Manila public information office nitong Miyerkoles. 

Ayon sa direktor ng ospital na si Dr. Ted Martin, ang mga pasyente na ito ay tumatanggap ng libreng hemodialysis treatment mula sa Flora V. Valisno De Siojo Dialysis Center.

Sa huling tala ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Martes, may 577 nang gumaling sa naturang sakit sa kanilang siyudad.

Mula naman sa kabuuang bilang na 1,854 kaso ng COVID-19 sa Maynila, 1,167 ay aktibong kaso at 110 ay pumanaw na. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.