3 lugar sa Maynila isasailalim sa 48 oras na 'hard lockdown'

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 03:43 PM | Updated as of Jun 18 2020 07:00 PM

Watch more in iWantTFC

Isasailalim sa 48 oras na hard lockdown ang tatlong lugar sa Maynila, ayon sa public information office ng siyudad nitong Miyerkoles.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang mga sumusunod: 

  •  Barangay 60, Zone 5
  •  Barangay 163, Zone 14
  •  Barangay 844, Zone 92

Magsisimula ang hard lockdown ng 12:00 ng umaga ng Hunyo 19 hanggang 11:59 ng gabi ng Hunyo 20. 

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng hard lockdown na magsagawa ng expanded targeted testing sa mga nabanggit na lugar.

"Layunin nito na agarang tukuyin ang mga kaso ng COVID-19 at maiwasan ang patuloy na paglaganap ng sakit sa mga barangay sa lungsod."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.