Dating tagapagsalita ng Bayan Muna sa CamSur, patay sa pamamaril

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 11:06 AM

NAGA CITY- Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang dating tagapagsalita ng Bayan Muna-Camarines Sur nitong Lunes ng umaga.

Sakay ng motorsiklo si Nepthali Morada nang pagbabarilin siya sa may highway ng Sona 4 Barangay San Isidro.

Anim na basyo ng M16 rifle ang nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen. Natandaan naman ang plaka ng isang pick-up truck na tinuturong ginamit ng mga suspek sa krimen.

Tagapagsalita ng Bayan Muna si Morada sa Camarines Sur mula taong taong 2000, ayon sa coordinator ng grupo na si Nelsy Rodriguez.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.