Tubo ng Maynilad sa QC pumutok sa pang-6 na beses

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2018 04:25 PM

MANILA - Muling pumutok ang isang pipe line ng Maynila sa Barangay Katipunan, Quezon City ngayong Linggo, dahilan para mawalan ng suplay ng tubig ang ilang residente. 

Ito na ang pang-6 na beses na pumutok ang tubo sa Mangga Street simula noong nakaraang linggo, ayon kay barangay deputy administrator Luisito Urmineta. 

Huling nasira ang linya ng tubig nitong Sabado. 

Inayos aniya ito ng Maynilad nang parehong araw kasabay ng pagrarasyon ng tubig sa mga residente, pero dahil sa kalumaan at malakas na water pressure ay muling itong nasira. 
 
Habang inaayos pa aniya ang plano, kokontrolin muna ng Maynilad ang water pressure sa lugar upang maiwasang muling bumigay ang tubo. 

Samantala, kani-kanilang igib naman ang ilang residente sa nasirang linya. Sinamantala rin ng ilan na makapaglaba at maglinis ng mga sasakyan habang nagtampisaw ang bata sa bumulwak na tubig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.