Isa sa mga sundalong nasawi sa Marawi, inilibing na

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2017 02:27 PM

Private First Class Angelo Estores, one of the soldiers slain in firefights in Marawi City, was laid to rest Saturday.

MANILA- Inilibing na nitong Sabado ang mga labi ni Private First Class Angelo Estores, isa sa mga sundalong nasawi sa bakbakan sa siyudad ng Marawi.

Si Estores ay inilibing sa tabi ng kaniyang bahay sa Pikit, North Cotabato.

Namatay umano si Estores dahil sa tama ng sniper fire, ayon sa isa sa kaniyang mga kasamahan.

Inabot ng dalawang linggo bago nakuha ang mga labi ni Estores sa Marawi. Naiuwi ito sa Pikit noong Hunyo 15.

Mahigit 300 tao na ang tinatayang namatay sa bakbakan ng mga sundalo at terorista sa Marawi, ayon sa mga opisyal. Kasama dito ang 225 terorista, 59 na sundalo at 26 na sibilyan. --may ulat ng Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.