PatrolPH

Truck nadisgrasya sa flyover sa Batangas; 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 05:32 PM

Sugatan ang driver at pahinante ng isang trailer truck matapos maaksidente habang pababa sa flyover sa Brgy. Bolbok, Batangas City Huwebes.

Nangyari ang aksidente bago mag-alas-2 ng hapon.

Ayon kay traffic enforcer Josen Tamayo, patungo sa Batangas Port area ang trailer truck nang biglang nagpagiwang-giwang habang pababa sa flyover.

Ilang beses munang bumangga sa bakod ng flyover ang trailer truck bago sinagasaan ang street light sa center island ng flyover.

Posible umanong nawalan ng kontrol ang trailer truck dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Itinakbo ng mga rescue team sa batangas medical center ang mga biktima.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.