PatrolPH

Sako-sako ng basura nakolekta sa Mount Apo trail

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 02:49 AM

Kuha ni Perla May Griffin
Kuha ni Perla May Griffin

Inakyat ng mahigit 60 na porter at mountain guide ang Mount Apo Digos-Kapatagan trail noong nakaraang linggo at sako-sako ng basura ang nakita sa lugar.

Ayon kay Digos City tourism officer Perla May Griffin, umabot sa 20 sako ng basura ang nakolekta sa trail sa tatlong araw na pag-akyat sa Apo.

Isa sa mga patakaran sa pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa bansa na kailangang dalhin ang kanilang basura sa pagbaba mula sa peak at campsite.

Pero maraming climber pa rin ang nag-iiwan ng mga basura.

Napansin din ng grupo na may ilang climbers ang nag-vandalize o sumulat sa ilang boulders sa ibabaw ng bundok.

Offseason sa Mount Apo simula Hunyo hanggang Agosto na kung saan ay ipinagbabawal ang climbing, maliban na lamang sa mga aktibidad na makakatutulong sa kalinisan ng trails at rehabilitasyon ng Apo.—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.