PatrolPH

P3 milyong halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 05:28 PM

Sinalakay ng pulisya noong Hunyo 15 at 16 ang isang marijuana plantation sa Tinglayan, Kalinga. Kalinga Police Provincial Office
Sinalakay ng pulisya noong Hunyo 15 at 16 ang isang marijuana plantation sa Tinglayan, Kalinga. Kalinga Police Provincial Office

Aabot sa P3 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad nang salakayin ang isang plantation sa Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Maj. Garry Gayamos, public information officer ng Kalinga police, ikinasa ang operasyon sa Barangay Loccong noong Miyerkoles at ngayong Huwebes.

May lawak na 1,500 square meters ang plantasyon, kung saan binunot at sinunog ang nasa 15,000 fully grown marijuana.

Walang magsasakang nahuli sa operasyon at inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng plantasyon.

— Ulat ni Grace Alba

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.