Mistulang sari-sari store ang reading hub na ito sa Davao del Norte. Larawan mula sa DepEd XI
Nagtayo ng reading hub ang isang paaralan sa Kapalong, Davao del Norte na mistulang isang sari-sari store.
Bukod sa reading materials, naka-display rin ang iba't ibang produkto sa Tindahan sa Pagbasa, na itinayo sa labas lang ng Gupitan Integrated School.
Ibang klase ang pagbebenta ng grocery items.
Pagkatapos kasi ng one-on-one reading lessons ng guro at estudyante, maaari silang bumalik sa katapusan ng linggo para masubok ang kanilang natutuhan sa pagbabasa.
Kung matagumpay ang isang mag-aaral sa pagbasa, tutumbasan ito ng guro ng produkto o grocery item na makatutulong din sa pamilya nito.
Paraan umano ito ng mga guro at ng paaralan para mas mahikayat pa at matulungang makapagbasa ang kanilang mga katutubong mag-aaral.
— ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.