PatrolPH

Buntis napaanak ng maaga matapos umano halayin ng 17-anyos na binatilyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 04:59 PM

ECHAGUE, Isabela — Arestado nitong Huwebes ang isang binatilyo sa bayan na ito na sinasabing nanghalay sa isang 29-anyos buntis noong Lunes. 

Sa imbestigasyon ng pulis, napag-utusan ng kanyang mister na bumili ng yelo ang biktima. 

Naglalakad na ito pauwi sa kanilang bahay nang makasabayan niya ang suspek.

Nang sila ay makarating sa sagingan ay itinulak umano ng suspek ang biktima saka ginawa ang panghahalay. 

Naisugod sa ospital ang biktima dahil sa naranasang pagdurugo sa masealang bahagi ng katawan. 

Nanganak din nang wala sa oras ang biktima na sumailalim sa operasyon. 

Nagpapagaling siya ngayon sa ospital kasama ang kanyang sanggol na nasa maayos namang kundisyon. 

Sinampahan na ng kasong rape ang suspek.

—Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.