PatrolPH

Bike repair station itinayo sa EDSA Quezon Avenue

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 09:34 AM

Bike repair station itinayo sa EDSA Quezon Avenue

Kasabay ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ang unti-unting pagdami ng bilang ng mga nagbibisikleta sa kalsada. 

Ayon kay MMDA Chairman Atty Romando Artes, nabawasan rin ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA. Mula sa 417,000 na mga sasakyan na bilang nila noong Mayo, bumaba ang traffic count nila at ngayon ay nasa 392,000.

At bagaman malaki ang natitipid nila sa gasolina, minsan perwisyo rin kapag nasisiraan sila ng bisikleta sa gitna ng kanilang byahe. 

Kaugnay niyan ay naglagay na ng bike repair station ang MMDA sa EDSA Quezon Avenue na libreng magagamit ng mga siklista.

Tampok dito ang iba’t ibang mga kagamitan gaya ng: air compressor, heat press, vulcanizing patch at iba ibat tools gaya ng vice grip, allen wrench at iba pang kagamitan na kailangan para magkalas ng mga gulong. 

Bike repair station itinayo sa EDSA Quezon Avenue

May dalawang tauhan rin ng MMDA na eksperto sa pagkukumpuni ng mga bisikleta at motor ang nakabantay sa repair station.

Panawagan ng iba pang mga siklista at maging mga pedicab drivers,
sana mas dumami pa ang mga ganitong libreng bike repair stations

Bukas ang repair station mula alas singko ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi.

Target ng MMDA na magkaroon pa ng iba pang repair stations sa iba pang lugar sa EDSA at maging sa Roxas Blvd.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.