PatrolPH

'Pinagkakakitaan lang': NHA may babala sa nagpaparenta sa gov't housing units

Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 04:44 PM

MAYNILA — Binalaan ng National Housing Authority (NHA) ang mga benepisyaryo na nagpaparenta ng pabahay ng gobyerno. 

Sabi ni NHA general manager Marcelino Escalada, itinutulak nila ang amyenda sa kanilang charter para i-disqualify at palitan ang sino mang mahuhuling pinagkakakitaan ang kanilang socialized housing unit.

"In our proposed charter, we are very aggressive to observe the non-payment and non-occupancy. Particularly, the non-occupancy, because we feel... that if and when the original beneficiary does not occupy, therefore, the actual need for housing is no longer there. And henceforth, he ceased to be qualified to that particular public housing," ani Escalada.

Dagdag niya, ang ibang nakinabang sa pabahay ay pineperahan lang umano ang unit. 

"My instruction was to cancel the award because kumikita pa si original awardee... Our housing project is only P250, P300, P500 per month. And they are renting it out at P3,000 to P4,000 by other person occupying," paliwanag ni Escalada.

Sa ngayon, walang magawa ang NHA dahil wala sa kanilang charter ang kapangyarihan para magpalayas ng benepisyaryo. 

Pero hangga't sa maaari ay hindi naman umano nila ito ginagawa. 

"The philosophy, the moment the NHA evicts, it adds on to the other homelessness in the other side of the gap... As a matter of policy, we will incorporate that. And actually on the ground we’re doing it right now. But we will formalize that in our proposed charter," ani Escalada.

Pinuna rin ng isang senador ang isyu sa mga nakatenggang socialized housing units.

"It deviates the objective of benefitting the homeless, yung urban poor na ngangailangan ng bahay. Baka naman may bumili, nag-invest lang. Hinihintay yung pagkakataon na ibenta," ani Sen. Francis Tolentino.

Sa ngayon, may 3,800 na lang sa 55,000 housing units ang unoccupied at naghihintay ng benepisyaryo. 

KAUGNAY NA VIDEOS:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.