PatrolPH

P14.1-M halaga ng marijuana, binunot at sinira sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 11:36 PM

Umabot sa mahigit P14 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang nakumpiska ng awtoridad sa Barangay Butbut Proper sa Tinglayan, Kalinga Martes ng hapon.

Mahigit kumulang 6,650 square meters ang laki ng taniman kung saan binunot at sinunog ang nasa 57,500 full grown na marijuana plants at 65,000 seedlings.

May kabuuang street value na P14.1 milyon ang marijuanang sinira.

Walang naaresto sa nasabing operasyon.

- ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.