PatrolPH

P1-M halaga ng hinihinalang shabu kinumpiska sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 05:39 AM

DAVAO CITY—Timbog sa drug buy-bust operation ng Ecoland Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Davao Region ang 2 lalaki sa Barangay Talomo Martes ng hapon.

May edad na 21 at 19 ang dalawang suspek na nakuhanan ng 3 malalaking pakete ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawa.

Naniniwala naman ang Ecoland Police Station na sa pagkahuli ng dalawang suspek, hihina ang bentahan ng ilegal na droga sa Talomo. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.