Higit P1.8 milyong halaga ng gamot na remdesivir ang na-recover ng National Bureau of Investigation mula sa mga ilegal na nagbebenta online.
Tatlong indibidwal ang nahuli ng NBI Special Task Force sa magkahiwalay na entrapment operations.
Arestado ang dating medical representative na si Irish Manaig at ang kasama nitong si Chris Boydon, na nakuhanan din ng 2 baril. Nakuha rin ang ilan pang stock ng gamot sa likod ng kanilang sasakyan.
Ani Manaig, nasa 500 na vial ang naibebenta niya kada linggo.
Sa hiwalay na operasyon, nahuli din ang isang pharmacist. Aniya, nautusan lamang siyang mag-deliver ng naturang gamot.
Ang remdesivir ay isang antiviral drug na ginagamit sa ilang pasyente ng COVID-19 sa mga ospital. Paalala ng NBI, hindi ito commercially available at binibigyan lamang ng special permit ng Food and Drugs Administration ang mga ospital na mag-i-import at gagamit nito.
Mahaharap sa patong-patong na kaso, kasama na ang paglabag sa Pharmacy Act, ang mga nahuli.
RELATED VIDEO:
remdesivir, NBI, National Bureau of Investigation, illegal selling of remdesivir, online selling remdesivir, remdesivir online selling, NBI operations remdesivir,covid-19,coronavirus, TV Patrol, Niko Baua