PatrolPH

Anak ng barangay chairman sa Capiz na suspek sa pamamaril, kinasuhan, tinutugis

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 02:12 PM

Kinasuhan ng pulisya ng double murder nitong Martes ang anak ng pisang barangay chairman na suspek sa pamamaril sa mag-asawang vendor sa Pontevedra, Capiz. 

Pinagbabaril umano ni Restituto Oquendo Jr., anak ng chairman ng Barangay Hipona, ang mag-asawang Noli at Juara Navarro na nagtitinda ng karne ng baboy at mga gulay noong Hunyo 9. 

Ayon sa Pontevedra PNP, kinasuhan ang suspek matapos magbigay ng kanilang sinumpaang salaysay ang apat na saksi sa pamamaril. 

Napag-alamang kaagad na tumakas ang suspek matapos magawa ang krimen at hanggang ngayon ay nanatiling malaya matapos mabigong mahuli ng awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation.

Hustisya ang isinisigaw ng pamilya ng mga namatay. Panawagan nila sa suspek na harapin ang isinampang kaso.

— Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.