PatrolPH

3 bangkay na 'binaril, ginilitan' natagpuan sa sementeryo sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 11:15 AM

Tatlong bangkay ang nakita sa isang sementeryo sa Barangay Padoga sa bayan ng Calubian, Leyte madaling araw ng Martes. 

Ang dalawang bangkay ng lalaki ay tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 anyos, habang ang isa namang bangkay na babae ay tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos ang edad. 

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nakita ito ng ilang residente na siyang nagbigay-impormasyon sa Calubian Municipal Police Station. 

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at nakumpirma ang bangkay, kung saan ang dalawa ay nakatali pa. 

Ayon sa Calubian police, may tama ng baril ang mga bangkay. Tila pinagsasaksak din ang babae at ginilitan umano ito sa leeg. 

May katabing motorsiklo rin ang bangkay ng dalawang lalaki. 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. 

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.