PatrolPH

13 arestado sa jueteng sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2021 11:47 PM

Arestado ng mga awtoridad ang 13 lalaki sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa dalawang bolahan ng jueteng sa Isabela noong Martes. 

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela, may informant na nagtungo sa kanilang tanggapan para magsumbong tungkol sa ilegal na pasugalan. 

Matapos nito, sinalakay ng mga awtoridad ang dalawang bolahan ng jueteng sa Barangay San Fermin, Cauayan City at Bliss Village sa Ilagan City. 

Nakumpiska ng mga operatiba ang higit P52,000 na bet money at iba’t ibang mga jueteng paraphernalias gaya ng papelitos at buraka.

Watch more on iWantTFC

Hinuli naman ang 13 lalaki na nagsisilbing umanong mga kabo rebisador at table manager ng mga bolahan. 

Ayon kay Police Maj. Joel Cabauatan, hepe ng CIDG Isabela, kabilang umano ang mga naaresto sa Tiaong crime group na sangkot sa operasyon ng jueteng sa probinsya. 

Nasa kustodiya ngayon ng CIDG Isabela ang mga naaresto habang inihahanda ang reklamong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

--Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.