Nag-mass testing kasi: Cebu City iaapela ang panibagong ECQ

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2020 05:21 PM | Updated as of Jun 16 2020 09:13 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Planong iapela ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pagsasailalim sa kanila sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang Hunyo 30, mula sa dating mas maluwag na general community quarantine (GCQ). 

Lunes ng gabi sa isang public address ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik sa ECQ ang Cebu City habang ang Metro Manila at iba pang lugar ay ipinako sa GCQ at modified GCQ. 

Paliwanag ni Labella, tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod dahil nagsasagawa sila ng mass testing noon pang Marso.
    
Pero mahigit kalahati aniya sa 3,434 cases nila ang gumaling na kaya mas mataas ang kanilang recovery rate kumpara sa national recovery.
    
Hanggang nitong Hunyo 13, nasa 1,539 na lang ang active cases sa lungsod.
    
Ayon pa kay Labella, handa silang sumunod sa desisyon ni Duterte at inter-agency task force (IATF) pero umaasa silang maibabalik ang lungsod sa GCQ.
 
"We will make the necessary adjustments and eventually in a few days we will make the necessary appeal... while we comply with the order sa Presidente at saka sa IATF," aniya. 
 
Nitong Martes, nagsara na ang mga mall matapos ipatupad ang ECQ. Dahil dito ay nababahala ang mga trabahador na no work no pay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.