Mga pamilyang nasunugan sa Mandaluyong makatatanggap ng ayuda

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2020 10:44 PM

MAYNILA - Mamamahagi ng tulong pinansyal ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa 1,400 pamilyang nasunugan sa Barangay Addition Hills at Mauway.

Ayon kay Mayor Menchie Abalos, P8,000 ang ibibigay sa mga homeowner na nawalan ng tahanan, P5,000 sa mga nakikitira sa isang bahay habang P3,000 sa mga umuupa.

Hinihintay na lamang din umano ang resolusyon para dito ng Sangguniang Panlungsod.

Noong Hunyo 6 nang sumiklab ang sunog sa UBAC compound sa Barangay Addition Hills. Umabot ang sunog sa Task Force Bravo at isa ang nasawi.

Linggo naman ng gabi, Hunyo 14, nang masunog ang magkakatabing bahay sa Barangay Mauway. Umabot ang sunog sa unang alarma. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.