Residents line up outside a covered court in Barangay Payatas, Quezon City hoping to receive the cash assistance under the DSWD’s Social Amelioration Program (SAP) on May 12, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News
MAYNILA - Umabot na sa 397 na barangay officials na sangkot sa umano'y maanomalyang distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) ang sinampahan ng kasong kriminal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kabilang ang mga ito sa kabuuang 663 indibidwal na iniimbestigahan ng kagawaran. Nasa 267 sa mga ito ay elected barangay at local government officials, habang 397 ang mga empleyado ng gobyerno o mga umano'y kasabwat na sibilyan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nagpapatuloy rin ang imbestigasyon at case buildup sa 67 pang kaso, 5 sa mga ito ang inaasahang maisasampa ngayong linggo.
Babala ni Año, hindi hahayaan ng kagawaran ang korupsiyon. Hindi rin umano titigil ang DILG at Philippine National Police (PNP) hanggang hindi nakakasuhan ang mga nasa likod ng umano'y maanomalyang distribusyon ng SAP.
Tiniyak din ni Año na tutugunan ang reklamo ng 460 complainant na dumulog sa DILG.
DILG SAP COVID-19, Social Amelioration Program COVID-19, SAP barangay officials, SAP anomalies