59 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2020 09:53 PM

Nadagdagan ng 59 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Eastern Visayas nitong Martes.

Kasama sa mga nagpositibo ang 22 health workers. Ang 18 ay mula sa Eastern Visayas Regional Medical Center at ang 4 ay sa Leyte Provincial Hospital.

Pansamantalang isinara din ang emergency room ng EVRMC sa Magsaysay at Cabalawan area para sa disinfection.

Sa ngayon, umabot na sa 264 ang kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Nitong Martes, umakyat na sa 26,781 ang kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas, kung saan 1,103 na ang namatay at 6,552 na ang gumaling.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.