11 anyos na batang lalaki nalunod sa imbakan ng tubig

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2020 06:49 AM

Kuha ng Badoc PNP

BADOC, Ilocos Norte - Nalunod ang isang 11 anyos na lalaki sa isang imbakan ng tubig sa Barangay Sta Cruz Sur sa bayan na ito nitong Linggo.

Sa imbestigasyon, umalis sa kanilang bahay ang batang lalaki bandang alas 6 ng umaga para kumuha ng palaka.

"Hindi na siya bumalik para mag-agahan, kaya bandang alas 8 i-medya, hinanap na siya ng kanyang ama, at bandang alas 3 ng hapon, nakita nito ang tsinelas ng kanyang anak 30 metros ang layo mula sa impounding area," ani Police Capt. Joseph Tayaban, hepe ng Badoc Police. 

Humingi ng tulong ang ama sa mga kabarangay nito para hanapin ang katawan ng bata.

Nang makita ang biktima, sinubukang itakbo ito sa ospital pero dineklara din siyang dead on arrival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.