#WalangTubig: Bahagi ng Quezon City, Caloocan mawawalan ng tubig ngayong Hunyo 17, Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 10:42 PM

Makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Quezon City at Caloocan City ngayong Lunes, Hunyo 17, ayon sa Maynilad.

Mawawalan ng suplay ng tubig mula alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang mga residente sa ilang bahagi ng Barangay 168, 170 to 178 at Pasong Putik sa Caloocan City at Barangay 172, Kaligayahan at Pasong Putik sa Quezon City.

Nauna nang sinabi ng Maynilad at Manila Water na maaring mawalan ng suplay ng tubig ang mga consumer nito dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.