Magsasaka, sugatan nang barilin ng kainuman

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 06:19 PM

BANGUI, Ilocos Norte - Sugatan ang isang magsasaka nang barilin ng kaniyang kainuman Biyernes ng gabi sa bayan ng Bangui, Ilocos Norte.

Base sa imbestigasyon, nauwi sa hindi magandang usapan ang inuman ng magkaibigang sina Alexander Respicio at Christopher Garvida.

Ayon kay Police Corporal Rolly Ramos, nagkapikunan ang dalawa at nagkahamunan ng suntukan. Bigla na lamang umanong naglabas ng sumpak si Garvida at binaril si Respicio.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan si Respicio habang tumakas naman si Garvida.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ang suspek na haharap sa kasong frustrated murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.