P5-M halaga ng hinihinalang ‘shabu’ nasabat sa QC

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2018 06:37 PM

MAYNILA—Tinatayang nasa P5 milyon halaga ng hinihinalang "shabu" ang nasabat sa buy-bust operation sa Barangay Greater Lagro sa lungsod ng Quezon nitong Sabado.

Arestado ang mag-pinsan na sinasabing tulak ng droga na nakilala 
bilang sina alyas Martin at alyas Paulo.

Ayon kay Supt. Benjamin Gabriel, hepe ng Fairview Police Station, agad na inaresto ang dalawa pagkaabot ng buy-bust money na nagkakahalagang P75,000.

Nakuha sa mga suspek ang 10 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa 100 gramo ang bawat isa. Nakuha rin ang isang kalibre-.38 na baril.

Isasailalim pa sa pagsusuri ng Philippine National Police crime laboratory ang mga nakuhang ebidensya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.