Mga tambay na lumabag sa ordinansa sa Maynila, hinuli

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2018 06:58 AM | Updated as of Jun 16 2018 06:21 PM

MAYNILA - Hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasa 97 katao sa simultaneous anti-criminality law enforcement operation (SACLEO) sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ayon kay Senior Insp. Edwin Fuggan, hepe ng Delpan Police Community Precinct, alinsunod ito sa panibagong direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga tambay.

Karamihan sa mga naaresto ang mga nag-iinuman at naninigarilyo sa kalsada at walang suot na damit pang-itaas.

Bukod dito, 5 indibidwal din ang nahulihan ng 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P5,000.

Ilan sa mga dinampot ay pinauwi rin matapos isailalim sa verification at mag-negatibo sa anumang record.

Ang mga lumabag sa ordinansa ay nakatakdang isailalim sa inquest. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.