11 timbog sa buy-bust operation sa Laguna

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2018 07:47 PM

Arestado ang 11 katao sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Parian, Calamba, Laguna, Biyernes ng gabi.

Target ng operasyon si alyas Brenda na inireklamong tulak umano ng droga sa lugar.

"Nagamit lang pero hindi po nagtitinda," depensa ni Brenda.

Ayon sa pulisya, 3 sa 11 nahuli ay mga drug surrenderer o dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.

"Accordingly sa ini-report sa atin may 2 taong nagbebenta ng ilegal na droga nagtutulak subalit nu'ng na-entrap po namin 'yung subject namin na it turned out na may mga kasamahan pa siya na nahuli," ani Supt. Redentor Ulsano, hepe ng Calamba City Police.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.