1 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa Caloocan

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2018 07:16 PM

Isa ang patay habang 5 ang sugatan sa pamamaril sa Barangay 171, Caloocan City Sabado.

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, posibleng away sa lupa ang motibo ng pamamaril dahil sa pinag-aawayang lupa ito nangyari.

Patay ang biktimang si Mujina Aluran habang sugatan ang 5 pang kasamahan na agad isinugod sa hospital.

Madaling araw ng Sabado nang bigla na lamang pagbabarilin ang mga biktima ng mga suspek na lulan ng isang puting Toyota Innova.

Ipinag-utos ni Eleazar ang mas malalim na imbestigasyon sa insidente at inaalam na rin kung nahagip ng mga CCTV sa lugar ang pamamaril at pagtakas ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.