6 sugatan sa hagupit ng ipuipo sa Negros

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2017 09:03 AM

BAGO, Negros Occidental - Anim na tao ang sugatan habang 19 bahay ang nawasak matapos hagupitin ng isang ipuipo ang ilang bayan dito Huwebes ng gabi.

Labing-isang bahay ang napinsala habang 8 bahay naman ang nagiba sa bayan ng Valladolid.

Tinatayang aabot sa P380,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng ipuipo sa Bago City, habang hindi pa natatantiya ang halaga ng ari-arian na nasira sa Valladolid.

Ayon sa mga awtoridad, tumagal ng halos 10 minuto ang ipuipo na nagsimula sa Barangay Guintoliran.

Pansamantalang nakikituloy sa kani-kanilang mga kamag-anak ang mga pamilyang apektado nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.