PatrolPH

Retiradong pulis, patay sa pamamaril sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2021 08:33 AM

Retiradong pulis, patay sa pamamaril sa Davao del Norte 1
Nagpapakain ng isda ang biktima sa kaniyang fishpond nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek. Larawan mula sa Public Information Office ng Police Regional Office XI

Patay ang isang retiradong pulis matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kaniyang farm sa Purok Mangga, Barangay Bincungan, Tagum City, Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Rolly Sabitsana, 60-anyos na residente ng Purok Bayanihan, Barangay Visayan Village, Tagum City.

Ayon kay Police Major Joselito Tan Jr., hepe ng Tagum Police Station, binaril ang biktima habang nagpapakain ng isda sa kaniyang fishpond.

Tinamaan ang biktima sa kanang bahagi ng kaniyang tiyan at naideklara nang dead on arrival ng doktor.

Narekober mula sa crime scene ang isang fired cartridge case ng 5.56 rifle.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin.

- Ulat ni Cheche Diabordo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.