PatrolPH

Lalaki huli sa 'tangkang panggagahasa' sa nagpatuloy sa kaniya dahil sa curfew

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2021 02:35 PM

Arestado ang isang lalaki matapos umanong tangkaing gahasain ang isang babaeng nagpatuloy sa kaniya sa bahay matapos siyang maabutan ng curfew, sabi ngayong Martes ng pulisya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inabutan ng curfew sa Sampaloc, Maynila ang suspek na si Winston Ricafort, 28, kaya nakiusap siyang makituloy sa bahay ng biktima, na kaniyang malayong kamag-anak.

Nagising ang biktima pasado alas-2 ng madaling araw at natuklasang nasa loob ng kaniyang kuwarto ang suspek para gahasain umano siya.

Pumalag ang biktima at tumakas ang suspek.

Nahuli noong Linggo sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City si Ricafort, na ngayo'y nakakulong sa kasong attempted rape.

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.