PatrolPH

Bilang ng active COVID-19 cases sa Davao region police office, 142 na

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2021 03:49 PM

Umakyat na sa 142 ang bilang ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Police Regional Office ng Davao Region (PRO - XI). 

Dahilan ito para palawigin ang lockdown sa kanilang kampo sa Catitipan sa Davao City. 

Bukod sa mahigpit na safety and preventive measures, isinasailalim din sa antigen test ang incoming duty personnel ng PRO XI bilang isa sa mga hakbang para masugpo ang COVID-19 infection sa kampo.

Kailangan pa ring magpakita ng negatibong RT-PCR test result ang mga bisita at kliyente.

Ayon sa PRO XI, tatlong beses nang pinalawig ang lockdown sa kanilang kampo simula noong Mayo 26.

Samantala, naghahanda na rin ang PRO XI para sa vaccination ng kanilang hanay dahil kabilang sa A4 priority list o essential frontlines ang mga pulis.

— Ulat ni Hernel Tocmo 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.